Anti-illegal gambling campaign pinaigting ng awtoridad

DAVAO CITY (Eagle News) – Inaresto ng awtoridad ang 12 suspek matapos mahuli sa aktong paglalaro ng Mahjong sa Datu Bago, Bankerohan, Brgy.5-A, Bolton Isla sa Felcris, at Brgy.40-D Davao City. Ang nasabing operasyon ay pinangunahan ni PCI Ramil Macarampat ng San Pedro Police Station.

Kinumpiska naman ng Anti-illegal Gambling Task Force ang isang video karera sa bahay ni Bobby Talas Maliok ng Brgy. Crossing Bayabas, Toril Davao City. Ito naman ay sa pangunguna ni PCI Ronald  Lao ng Toril Police Station.

Ayon sa Philippine National Police (PNP), ang pag-aresto at pagkumpiska ay nakabatay sa kampanya ng Pamahalaan na “One Time, Big Time Operation” na ukol sa anomang illegal gambling activities (P.D.1619).

Ayon din sa PNP ay lalo pa nilang paiigtingin ang kanilang operasyon upang makatulong sa kampanya ng Pamahalaan ukol sa anti-illegal gambling.

Haydee Jipolan – EBC Correspondent, Davao City

Related Post

This website uses cookies.