METRO MANILA, Philippines (Eagle News) – Matapos atasan ni Pangulong Rodrigo Duterte na ayusin ang problema sa trapiko ay agad na nagsagawa ang MMDA ng clearing operations noong Huwenes, April 6. Isa-isang binatak ang mga sasakyan na ilegal na naka-park sa Pablo Ocampo St., Malate, Maynila at sa Dian Street sa Makati.
Ang mga kalyeng ito ay no-parking zone at dinadaanan ng mga sasakyan kaya hindi dapat nakahambalang doon ang mga pribadong sasakyan. Isa ang illegal parking sa mga nakikitang sanhi ng trapiko sa Metro Manila.
Angela Longalong – EBC Copprespondent, Quezon City