Apat na heavy equipment, sinunog ng mga hinihinalang miyembro ng NPA

BUTUAN CITY, Agusan del Norte (Eagle News) – Sinunog ng mga nasa 40 armadong hinihinalang miyembro ng New People’s Army (NPA) ang apat na mga heavy equipment sa Quarry site ng Purok 7 Brgy. Bonbon, Butuan City, Agusan del Norte.

Nangyari ang nasabing insidente noong madaling araw ng Sabado, October 21.

Kabilang sa sinunog ang tatlong backhoe at isang dump truck na pagmamay-ari ni Mr. Ali Martinez. Tinatayang umabot sa Php-6 milyon ang naging danyos ng panununog.

Ayon kay Purok President Mr. Flor Blanco, gabi bago nangyari ang nasabing panununog ay may nakitang mga armadong lalaki na dumaan sa lugar ngunit binalewala lang aniya nila ito sa pag-aakalang kabilang sila sa militar.

Ayon sa nakalap na impormasyon, sinunog ng mga armadong lalaki ang mga heavy equipment dahil sa hindi pagbibigay ng may-ari ng Quarry Site ng kaukulang halaga sa kanila. (Eagle News Correspondent, Nova Villafañe)

Related Post

This website uses cookies.