Apat na miyembro ng NPA sa Paquibato, Davao City sumuko sa militar; IEDs, war materials isinuko rin

Photo courtesy: 1st Metro Davao Ready Reserve Infantry Battalion Philippine Army

DAVAO CITY (Eagle News) – Boluntaryong sumuko sa 16th Infantry (Maglilingkod) Battalion, 2nd Infantry Division ng Philippine Army ang apat na miyembro ng Militia ng Bayan (MB)  ng terrorist group na New People’s Army (NPA) na nag-o-operate sa hinterlands ng Paquibato District, Davao City.

Base sa report, kanila ring isinuko ang 30 piraso na anti-personnel Improvised Explosive Devices (IEDs), apat na cal .38 revolver na may live ammunition, at 17 na assorted two-way commercial radio transceivers.

Ayon sa isang surrenderee, gusto na  nilang mamuhay ng payapa kasama ang kanilang mga pamilya na naninirahan sa Paquibato District.

Samantala, isang civilian na mula sa Brgy. Mapula ng Paquibato District ang nagturo sa 16 Infantry Battalion sa lokasyon ng isang caliber .30 sniper rifle na nakatago sa ilalim ng mga niyog sa nabanggit na lugar.

Ayon kay LTC Darren E Comia, Battalion Commander ng 16IB, inaasahan nila na marami pang mare-recover na war materials dahil na rin sa suporta ng mga sibilyan sa lugar. Saylan Wens at Haydee Jipolan

Related Post

This website uses cookies.