ILIGAN CITY (Eagle News) – Sugatan ang apat katao sa nangyaring pagsabog ng bomba sa harap ng Western Union at gilid ng Freedom Park noong Miyerkules, December 7, bandang 7:00 ng gabi. Ang pinangyarihan ay malapit lamang sa Police Station ng Barangay Poblacion, Iligan City.
Ang mga biktima ay agad na isinugod sa Dr. Uy Hospital, Poblacion, Iligan City na nakilalang sina:
- Laureto Carabantes, Jr. – 26 taong gulang, empleyado sa Art Destura Printing, taga-Purok 5, Barangay Santiago, Iligan City. Nagtamo ito ng sugat sa kaniyang ulo
- Cristine Mercader0s – 20 taong gulang, estudyante ng MSU-IIT, residente ng Barangay Ma. Cristina, Iligan City. Tinamaan sa kaniyang kaliwang braso
- Cherryl Paquit – 26 taong gulang, empleyado ng ILLICOM, residente ng Barangay Suarez. Tinamaan sa kaniyang kaliwa at kanang balikat maging sa leeg.
- Shiela Mae Maagad – 23 taong gulang, Taga-Barangay Poblacion, Iligan City. Nagtamo naman ng sugat sa kaliwang bahagi ng kaniyang sentido.
Hanggang ngayon ay hindi pa rin matukoy ng awtoridad ang motibo sa pambobomba. Patuloy din nilang iniimbestigahan ang pangyayari upang malaman kung sino ang nasa likod nito.
Bert Prowel – EBC Correspondent, Lanao del Norte