Ang Philippine Medical Association ay isang non-profit organization na itinatag noong septiyembre 15, 1913. Layunin nito na mabuklod ang mga medical practitioners at medical groups sa ating bansa. Bahagi pa rito ang magbigay serbisyo at kasanayan sa mga miyembro upang lalo pang lumawig ang kanilang kaalaman sa propesyon. Tinutulungan din nilang maprotektahan ang mga legislative rights ng ating mga doktor sa pamamagitan ng patuloy na pag-aaral at pananaliksik.
Dahil dito nais ng PMA na mataglay ng mas mataas na kalidad ng kalusugan at patuloy ang kanilang pagsuporta sa pagpapaunlad sa kaalamang pang-medisina ng kanilang mga miyembro, pati narin ang pagtulong sa ating mga kababayan.