APRUB: Philippine Nuclear Research Institute o PNRI

Itinatag ang Philippine Nuclear Research Institute O PNRI noong 1958.  Una itong tinawag na Philippine Atomic Energy Commission.

Pangunahin sa mandato ng PNRI ay ang pagpapaunlad ng kalidad ng pamumuhay ng mga Pilipino sa pamamagitan ng pananaliksik sa mga produktibong gamit ng nuclear.  Nais isulong ng naturang ahensiya ang paniniwala na, ang nuclear energy ay hindi lamang para sa larangan ng pakikidigma.  Marami pa itong aplikasyon sa iba’t-ibang larangan gaya sa:

  • Food and Agriculture
  • Human health and medicine
  • Environmental Protection and Management

Isa sa pinakahuling nadevelop ng PNRI ay isang early detection program para sa mapaminsalang algal blooms o mas kilala sa tawag na “red tide”.  Matatandaang noong 1986 ay marami ang  kinitil na buhay ng naturang algae sa Maynila.

This website uses cookies.