Aquino, patungong Iloilo para sa turn-over ng 19 classrooms, kick-off rally ng LP nat’l candidates

File photo courtesy Malacanang Photo Bureau.

 

By Ian Rose
Eagle News Service correspondent

ILOILO CITY, February 9 (Eagle News) — Darating si Pangulong Aquino dito sa probinsya ng Iloilo upang pangunahan ang turn-over ceremonies ng isang tatlong-palapag na gusali na may 18 classrooms sa Pavia National High School.

Ito ay kabilang sa “Matuwid na Daan” sa silid aralan school building project ng gobyerno. Ito ay pinondohan ng Philippine Amusement Gaming Corporation (PAGCOR) sa pamamagitan ng Department of Public Work and Highway (DPWH). Ang mga bagong classrooms ay kayang maglaman ng kabuuang 900 na mag aaral, dahil sa ang bawat silid aralan ay may seating capacity na 50 mag aaral.

Maliban dito ay pangungunahan din ni Pangulong Aquino ang “ceremonial switch on” ng Panay Sitio Electrification Administration sa bayan ng Pavia.

Ayun sa schedule ng Pangulo ay dadalo din siya sa kick off rally ng national candidates ng Liberal Party na gagawin sa Iloilo Freedom Grandstand.

Kaugnay ng nasabing rally, kahapon pa lang ay nag abiso na isasara na ang kalye ng JM Basa mula alas-tres ng hapon hanggang alas-dies ng gabi.

Inaasahang libo libong supporters ng partido ang tutungo sa nasabing rally.

Related Post

This website uses cookies.