MANILA, Philippines (Eagle News) — Tiniyak ni Foreign Affairs Secretary Perfecto Yasay na hindi uungkatin ang United Nations arbitral ruling laban sa China sa Association of South East Asian Nations (ASEAN) meeting sa susunod na linggo.
Paliwanag ng Kalihim, magiging ugat lamang aniya ito ng tensyon sa mga bansang umaangkin sa pinag-aagawang rehiyon sa West Philippine Sea.