AGOSTO 5 (Agila Probinsya) — Nakataas ngayon sa Red Alert ang Humanitarian Emergency Action and Response Team (HEART) ng Autonomous Region in Muslim Mindanao dahil sa patuloy na malalakas na pag-ulan sa Cotabato City.
Sa ilalim ng Red Alert Status, lahat ng personnel ay dapat na on-call para sa rescue at relief operation sakaling lumala ang sitwasyon.
Nabatid na nasa labing pitong munisipalidad sa Maguindanao ang mahigpit na binabantayan sa posibilidad ng mga pagbaha.
Sinuspinde naman ni Cotabato City MAyor Japal Guaini Jr., ang klase sa elementarya at high school sa kanilang lugar ngayong araw dahil sa masamang lagay ng panahon.