ASEAN business advisory council: Ekonomiya ng Pilipinas, makikinabang sa paghost ng summit

Ni Meanne Corvera

Eagle News Service

Malaki raw ang magiging pakinabang ng ekonomiya ng Pilipinas sa pagiging host ng 30th Association of Southeast Asian Nations.

Sinabi ni ASEAN business advisory council chair Joey Concepcion na posibleng bumirit ang pagnenegosyo sa Pilipinas lalo na ang mga small at medium enterprises.

Sa pamamagitan kasi ng summit magkakaroon ng palitan ng impormasyon sa nangyayaring kumpetisyon sa kalakalan.

Naniniwala si Paynor na malaki ang maitutulong ng mga ganitong summit para mapaunlad ang ekonomiya hindi lang ng Pilipinas kundi ang mga
bansang kasapi ng ASEAN.

Bukod sa pagnenegosyo, natalakay rin ang kinakaharap na hamon ng iba’t
ibang bansa

Kasama na rito ang ibat-ibang nakahahawang sakit at matinding epekto
ng climate change.

Related Post

This website uses cookies.