PANGLAO, Bohol (Eagle News) – Sinimulan na nitong Miyerkules, April 19 ang Association of Southeast Asian Nation (ASEAN) Summit sa Hennan Resort sa Panglao, Bohol.
Inaasahan na rin ang pagdating ng mga delegado ng Ministers of Trade mula sa 10 bansa, tulad ng:
- Malaysia
- Singapore
- Myanmar
- Thailand
- Vietnam
- Brunei Darussalam
- Lao People’s Democratic Republic
- Cambodia
- Pilipinas
Ang tatlong araw na ASEAN Summit ay inorganisa ng Department of Trade and Industry (DTI). Ito ay sa tulong na rin ng Local Government ng Bohol. Siniguro naman ni PRO 7 Director Chief Supt. Noli Taliño na mahigpit ang seguridad at nagdeploy na ng 4,000 na mula sa Cebu-Bohol Security Task Group para sa nasabing aktibidad.
Angie Valmores – EBC Correspondent, Bohol