Ni Josie Martinez
Eagle News Service
BALANGA, Bataan (Eagle News) — Sa ginawang Asian Waterbird Census 2018 sa Wetland and Nature Park sa Barangay Tortugas, Balanga City, Bataan, muling napatunayan na patuloy pa ring naninirahan dito ang mga ibong dayo o migratory birds sa lalawigan.
Ang census ay isinagawa ng mga representative ng Wild Bird Club of the Philippines (WBPC) sa pangunguna ni Mr. Mike Lu, mga personnel mula sa Department of Environment and Natural Resources (DENR) at ng City of Balanga sa limang birding sites sa Brgy. Tortugas, Sibacan, Tuyo at Puerto Rivas.
Dito ay nakakita sila ng umaabot sa dalawampu’t limang species ng ibon.
Ang Whiskered tern na umabot sa bilang na 6,260 at ang mga Greet egret naman ay umabot sa bilang na 2,535.
Umabot naman sa kabuuang bilang na 13,065 na migratory birds ang dumayo sa lugar sa taong ito.