Asst. prov’l prosecutor, patay sa pamamaril sa Infanta, Quezon

INFANTA, Quezon (Eagle News) — Dead on the spot sa pamamaril ang assistant provincial prosecutor ng Quezon kamakailan.

Kinilala ang biktima na si Raymund Fernandez Luna.

Naganap ang pamamaril habang nanananghalian ang biktima sa isang karinderya na pagmamay ari ni Mr. Aldo Tena, sa tapat mismo ng Hall of Justice na nasa Brgy. Pulo, Infanta.

Ayon sa inisyal na ulat ng Infanta Municipal Police Office, dalawang unidentified gunman ang gumawa ng krimen at mabilis na tumakas patungong Brgy. Gumian, sakay ng isang motorsiklo.

Agad na nagsagawa ng follow-up operation at investigation ang mga tauhan ng Infanta Police upang matukoy ang motibo at mga pagkakakilanlan ng mga suspek.

(Nice Gurango – Eagle News).

Related Post

This website uses cookies.