AWOL na pulis, patay matapos manlaban sa isinagawang drug buy bust operation

POLANCO, Zamboanga del Norte  (Eagle News) – Patay ang isang AWOL na pulis matapos manlaban sa isinagawang drug buy bust operation ng Polanco PNP, ZNPPSC, at ng PDEA sa Polanco, Zamboanga del Norte.

Kinilala ang suspek na si PO3 Joel Elia, 47 taong gulang. Nakuha mula sa kaniya ang sumusunod:

  • Drug paraphernalia
  • 1 unit ng kalibre 45
  • 1 9mm luger KG-9
  • 28 pirasong bala ng 9mm
  • Holster
  • Php 5,000
  • Assorted ID’s

Ayon kay Police Senior Inspector Manuel Acabal, Deputy Chief of Police ng Polanco MPS, bago nangyari ang insidente ay nagkaroon muna ng negosasyon upang pasukuin ang suspek. Ngunit bigla na lamang aniya nitong kinuha ang kaniyang baril at nagpaputok ng dalawang beses. Kaya rumesbak din kaagad ang mga awtoridad laban sa suspek.

Kasalukuyan ng nasa kustodiya ng mga awtoridad ang mga nakumpiskang ebidensiya. Iniuwi na rin sa pamilya ang bangkay ni Elia.

(Elmie Ello – EBC Correspondent, Zamboanga del Norte)

Related Post

This website uses cookies.