Ayudang binhi ng palay, mais ipinamahagi para sa mga magsasakang naapektuhan ng bagyong Vinta

/Municipal Agriculture Office-Polanco/

POLANCO, Zamboanga del Norte (Eagle News) — Apat na daang  sako ng binhi ng palay at mais ang ipinamahagi ng lokal na pamahalaan sa ilang lugar na tinamaan ng bagyong “Vinta” sa Polanco.

Ang mga naturang binhi ay ipinamahagi sa 16 na barangay kung saan mayroong pitong daan na mga magsasaka.

Nagpapasalamat naman ang mga magsasaka dahil sa sinabi nilang agarang pagtugon ng kanilang hiling.

(Elmie Ello, Eagle News Service)

Related Post

This website uses cookies.