Nina Aser Bulanadi at Godofredo Santiago
Eagle News Service
TARLAC CITY, Tarlac (Eagle News) – Isang 33 anyos na babae na pansamantalang pinalaya dahil sa kasong may kinalaman sa droga ang naaresto sa ikalawang pagkakataon.
Sa ulat ni Police Supt. Eric B. Buenconsejo, hepe ng Tarlac City PNP, kay Tarlac Provincial Director Police Senior Supt. Ritchie Medardo Posadas, ang naaresto ay si Mary Herlene Caballero, mas kilala sa tawag na “Tootsie.”
Naaresto si Caballero sa buy-bust operation sa Brgy. San Nicolas.
Sinabi ni Police Insp. Wilhelmino Alcantara, pinuno ng Station Drug Enforcement Unit (SDEU), si Caballero ay una na nilang nahuli pero pansamantalang pinalaya matapos na makapagpiyansa.
“Matagal na po namin siyang minamanmanan, katunayan po nito ay nahuli na rin siya noon. Nakapagpiyansa siya, and then, nagtuloy-tuloy siya sa kaniyang iligal na gawain. Hindi lamang po siya nagbibinta ng iligal na droga kundi lumalabas na siya rin yong supplier ng iligal na droga, partikular dito sa Brgy. San Nicolas, Tarlac City,” pahayag pa ni Alcantara.
Nasamsam mula kay Caballero ang 8walong plastic sachet ng shabu.
Inaalam pa kung ilang gramo ito.
Nasamsam din ang P500 bill na marked money.
Ang suspect ay nakapiit sa ngayon sa Tarlac City lock-up cell at sasampahan ng panibagong kaso dahil sa paglabag sa Comprehensive Dangerous Drugs Act of 2002.