Nagbabala ang Land Transportation Franchising and Regulatory Board o LTFRB sa mga motoristang nahilig na rin sa paglalaro ng bagong game na Pokemon Go.
Sa official twitter account post ng ahensya, idinidiin ng LTFRB na mahigpit na ipinagbabawal sa mga motorista ang maglaro ng Pokemon Go habang nagmamaneho upang maiwasan ang anumang aksidente sa kalsada.
Ang “Pokemon Go” ang pinakabagong location-based augmented reality mobile game na kinagigiliwan na ngayon pati na ng mga pilipino.
Simula ng nabuksan ang server nito sa Asya umabot na ng milyon ang mga pilipinong nakapag-download sa app na ito.
(Eagle News, Angie Valmores, Bohol Correspondent)