Back-channel talks ng gobyerno sa CPP-NPA-NDF, kanselado na

(Eagle News) — Inatasan ni Pangulong Rodrigo Duterte ang government negotiating panel na huwag nang ituloy ang usapang pangkapayapaan sa mga rebeldeng komunista dahil sa patuloy na pag-atake sa tropa ng pamahalaan.

Ang pinakahuling pag-atake ng New People’s Army ang ginawang pananambang sa tropa ng Presidential Security Group (PSG) sa Arakan, North Cotabato na ikinasugat ng ilang PSG personnel.

Sinabi ni government chief negotiator Secretary Silvestre Bello III na hangga’t hindi nagpapakita ng sinseridad ang CPP-NPA ay hindi muna itutuloy ang peace talks.

Ayon kay Bello, kinansela na rin ang back-channel negotiations para sa pormal na usapang pangkapayapaan.

Batay sa report, nagbanta ng patuloy na pag-atake sa tropa ng pamahalaan ang NPA dahil sa pagpapalawig ng martial law sa Mindanao.

Related Post

This website uses cookies.