Bagay na itinago ni Ozamiz Vice Mayor Parojinog mula sa mga pulis, hindi shabu – Topacio

(Eagle News) – Mariing itinanggi ni Atty. Ferdinand Topacio na ilegal na droga ang pilit na itinatago ni Ozamiz City Vice Mayor Nova Princess Parojinog mula sa mga pulis, bagay na nakita  sa isang cell phone video na kumalat na rin ngayon sa social media.

Giit ni Topacio, ang shabu ay water soluble, kaya kung nilunok ito ng kaniyang kliyente, posibleng nangisay na ito agad dahil sa dami nito kung sakali mang iyon ay iligal na droga.

Sa video na nakuhanan sa raid sa bahay ni Parojinog kung saan umano nasabat ng mga pulis ang mga iligal na droga, nakita ang bise alkalde na may hawak na pilit itinatago sa kaniyang kamay at mayroon pa itong mistulang isinubo.

Gayunman, hindi na sinabi ni Topacio kung ano ang bagay na itinago ni Parojinog.

Ayon sa kaniya, ibubunyag niya ito oras na may isampa nang kaso laban sa kaniyang kliyente kaugnay nito.

Related Post

This website uses cookies.