Bagong Bahay Sambahan ng Iglesia ni Cristo sa Tarlac, itinalaga sa Panginoong Diyos

(Eagle News) — Lubos na kasiyahan ang naramdaman ng mga kaanib ng Iglesia ni Cristo (INC) na dumalo sa isinagawang pagtatalaga sa Panginoong Diyos ng bago nitong Bahay Sambahan sa Lokal ng Vargas, Lalawigan ng Tarlac (Distrito ng Tarlac North) nitong Hulyo 9, 2016.

Pinangunahan ng Tarlac North District Supervising Minister Bro. Senen C. Capuno ang pagsamba at pagtatalaga ng nasabing Bahay Sambahan. Itinuturing ng mga kaanib sa Iglesia Ni Cristo sa dakong yaon na malaking biyaya na mula sa Panginoong Diyos para sa kanila na mapagkalooban ng isang maganda at maayos na dako ng pagsasagawaan ng mga Pagsamba, lalo’t nalalapit ang ika-102 Anibersaryo ng pagkakatatag ng Iglesia.

Bukod sa nasabing bahay sambahan ay may iba pang mga pasisinayaang mga bagong Bahay Sambahan sa lalawigan ng Tarlac (Tarlac North District) sa mga susunod na mga buwan.

Lubos ang pagpapasalamat ng mga kaanib sa INC mula sa nasabing dako kay Bro. Eduardo V. Manalo, INC Executive Minister, at sa Pamamahala ng INC dahil sa pinagtibay nila na mapatayuan sila ng isang maganda at bagong Bahay Sambahan.

 

Franz Agunia – Eagle News Tarlac Correspondent

 

Related Post

This website uses cookies.