Bagong barangay chapel ng Iglesia Ni Cristo pinasinayaan sa Dingalan, Aurora

Pinasinayaan ang bagong barangay chapel na matatagpuan sa Sitio Malamig, Brgy. Umiray, Dingalan, Aurora isang liblib na lugar sa lalawigan.
Ang pagtatayo ng barangay chapel ay tugon ng pamamahala ng INC para sa kapakanan ng mga miyembro nito para mailapit sa mga kaanib nito ang mga aktibidad at gawain sa Iglesia.

Pinangunahan ni Bro. Armando Bariring Jr., District Minister ng Nueva Ecija East ang pagpapasinaya at pagtatalaga ng dakong ito na kinasabikan ng mga dumalo ang nasabing pagtitipon.

Nangako naman silang kanilang pagtatalagahan ang pakikipagkaisa sa mga aktibidad na ilulunsad ng tagapamahalang pangkalahatan ng INC, ang kapatid na Eduardo V. Manalo. Bilang pagtanaw ng utang na loob sa kanyang pagmamahal at pagmamalasakit para sa kapakanan ng Iglesia.

Lubos ang pagpapasalamat ng mga kaanib sa Iglesia Ni Cristo sa dakong ito, una sa Panginoong Diyos, at sa Tagapamahalang Pangkalahatan ng Iglesia. Kaya nangako sila na iingatan at ipagmamalasakit ang barangay chapel na ito.

(Agila Probinsya Correspondents Eman Celestino, Ben Salazar)

This website uses cookies.