Bagong barangay chapel ng Iglesia Ni Cristo pinasinayaan sa Laguna

LAGUNA City, PHilippines — Dahil sa patuloy na pagdami ng mga kaanib, nadaragdagan ang bilang ng barangay chapel sa silangang bahagi ng Laguna.

Kamailan, pinasinyaaan ang pang-pitong bagong barangay chapel na nasa Brgy. Paagahan Famy Laguna na pinangasiwaan ni kapatid na Melvin G. Cayabyab , ang Assisting District Minister ng Laguna East.

Ito ay may sukat na 250 sq. meter at 100 seating capacity at may limang kilometro layo mula mother lokal. Kitang-kita ang kasabikan ng mga kaanib na nakasaksi sa pagpapasinaya sa bagong barangay chapel.

Ayon kay kapatid na Roderick De Belen, inspirasyon at lalong nakapag-bigay sigla ang pagkakaroon ng kapilya sa kanilang lugar kaya patuloy sila na makikipagkaisa sa lahat ng aktibidad na inilulunsad ng pamamahala at kanilang aalagaan at ipagmamalasakit ang bahay sambahan at lubos ang kanilang pagpapamasalamat sa tagapamahalang pangkalahatan kay kapatid na eduardo v. Manalo, sa kanyang pagmamalasakit sa kabuuan ng Iglesia Ni Cristo.

This website uses cookies.