Pinasinayaan na ang bagong barangay chapel ng Iglesia Ni Cristo sa Barangay Isidro, Lagangilang, Abra. Ang nasabing dako ay tinawag na lokal ng Bio.
Ang nasabing pagpapasinaya ay pinangunahan ni Kapatid na Marvin Querrubin, Iglesia Ni Cristo District Minister ng Abra.
Ang lokal ng Bio ay pangalawa sa naipatayong barangay chapel sa taong 2015 sa lalawigan ng Abra. Sa kasalukuyan ay mayroon ding bagong ipinatatayong kapilya sa bayan ng San Miguel, Bucay.
Bukod pa dito ay isang bagong barangay chapel din ang pinasinayaan ng Iglesia Ni Cristo sa Pis-anan, Sibalom, Antique.
Labis naman ang kasiyahan at pagpapasalamat ng mga miyembro ng Iglesia Ni Cristo sa Panginoong Diyos at maging sa Tagapamahalang Pangkalahatan ng Iglesia Ni Cristo ang Kapatid na Eduardo V. Manalo.
Ang ginawang pagpapasinaya sa bagong mga barangay chapels naging maayos at napanatili ang kaayusan sa tulong na rin ng Society Communicators and Networks o kilala sa tawag na SCAN International.
(Agila Probinsya Correspondents Roger Vargas, Jhoy Valenzuela, Judith Llamera)