BISLIG CITY, Surigao del Norte (Eagle News) — Matagumpay na naisagawa ang Change of Command Ceremony ng 75th Infantry Battalion, 6th Infantry Division ng Philippine Army sa Camp Jaime Ferrer Sr. sa Brgy. Maharlika, Bislig City. Pinalitan ni Lt. Col Wilfredo Amoma si Lt. Col Haron Akaz na dalawang taong naglingkod bilang commander ng 75th IB ng Philippine Army.
Ayon kay Lt. Col Amoma, isang malaking hamon aniya sa kanyang panunungkulan dahil kasabay nito ang suspension ng unilateral agreement sa pagitan ng kasundaluhan ng gobyerno at rebeldeng grupo. Dagdag pa ng bagong commander na gagawin nila ang kanilang makakaya upang mas lalo pa silang mapalapit sa mga tao.
Kasamang dumalo sa nasabing okasyon ay si MGen. Benjamin Madrigal, commander ng 4th Infantry Battalion, BGen. Arnel Dele Peña commander ng 6th Infrantry Division at ang hepe ng Provincial Police Office na si PSSupt. Romaldo Bayting.
(Surigao del Sur Correspondent Issay Daylisan, Eagle News Service)