METRO MANILA, Philippines (Eagle News) – Tuluyan nang pinako ng Land Transportation Franchising and Regulatory Board (LTFRB) sa 40 pesos ang flagdown rate sa mga taxi na bumibiyahe sa Metro Manila at sa iba’t ibang bahagi ng bansa.
Subalit ayon sa LTFRB, hindi kasama rito ang mga taxi na bumibiyahe sa Cordillera region.
Kasunod nito, pinapayagan din ng ahensya na magpataw ng P13.50 na dagdag sa kada kilometro ang mga taxi, at dagdag na dalawang piso para sa travel time mula sa pinanggalingan ng pasahero hanggang sa destinasyon nito.
Una nang inihirit ng grupo ng mga taxi na payagan silang magdagdag ng singil sa travel time at per kilometer basis upang mabigyan ng tamang kita ang mga tsuper kapalit ng magandang serbisyo sa mga pasahero. (Eagle News Service)