Bagong LPA, mababa ang tyansang maging bagyo subalit magdadala ng pag-ulan sa Mimaropa area

(Eagle News) — Isang namumuong sama ng panahon o low pressure area (LPA) ang namataan ng Philippine Atmospheric Geophysical and Astronomical Services Administration sa layong 190 kilometro, kanluran ng Clark, Pampanga.

Ayon sa weather bureau, nagdadala ng pag-ulan ang sama ng panahon sa Mindoro at Palawan.

Maulap na kalangitan na may mahina hanggang sa katamtamang mga pag-ulan, pagkulog at pagkidlat ang inaasahan sa mindoro at palawan dahil sa trough ng LPA.

Hindi inaasahan o mababa ang tyansa na maging bagyo ang LPA.

Sa Maynila at nalalabing bahagi naman ng Luzon ay inaasahan ang magandang panahon maliban sa mga pag-ulan sa hapon o gabi bunsod ng localized thunderstorms.

Maaliwalas na panahon din ang inaasahan sa buong Visayas at Mindanao bagaman posible ang pag-ulan dulot ng localized thunderstorms.

Related Post

This website uses cookies.