(Eagle News) — Lumakas pa ang pag-iral ng hanging amihan at apektado na maging ang bahagi ng Visayas.
Dahil dito, ngayong araw, maulap na kalangitan na may mahinang pag-ulan ang maaaring maranasan sa Cagayan Valley Region, Cordillera Administrative Region (CAR), Quezon, Aurora, Bicol Region at Eastern Visayas.
Magiging maaliwalas naman ang panahon sa Metro Manila, nalalabing bahagi ng Luzon at Visayas na mayroon lamang isolated thunderstorms sa dakong hapon o gabi.
Samantala, isang low pressure area pa rin ang binabantayan ng Philippine Atmospheric Geophysical and Astronomical Services Administration na huling namataan sa 1,000 kilometers east ng Mindanao.
Maghahatid ang naturang LPA ang kalat-kalat na pag-ulan sa buong Mindanao.