Bagong motorsiklo at digital camera ipinamahagi sa 18 Municipal Police Station sa Antique

ANTIQUE (Eagle News) – Binigyan ng mga bagong motorsiklo at digital camera ang 18 Municipal Police Stations sa lalawigan ng Antique. Ito ay upang lalong makatulong sa kanilang kampanya laban sa kriminalidad sa kani-kanilang lugar. Ipinamahagi ang mga nasabing kagamitan sa Evelio B. Javier Freedom Park na pinangunahan ni Police Senior Superintendent Louis Garong, provincial police director at ni Gov. Rhodora J. Cadiao.

Ayon kay PSSupt. Garong, ang mga motorsiklo at digital camera na galing sa National Police Headquarters ay may layuning mapalakas ang anti-criminality drive sa probinsya. Naglaan naman ang Provincial Government ng Antique ng P3 milyong piso bilang tulong sa kampanya laban sa iligal na droga ng Antique Provincial Police Office.

Dagdag pa ni PSSupt. Garong, mahigit 1,500 mga drug users at pushers na ang sumuko mula ng simulan nila ang kampanya laban sa iligal na droga.

Courtesy: Jhony Valenzuela – Antique Correspondent

Related Post

This website uses cookies.