MANILA, Philippines (Eagle News) — Ikinasa na ni Outgoing House Speaker Feliciano Belmonte ang bagong Salary Standardization Law o SSL para itaas ang sahod ng mga government employee.
Ang naturang panukala ay magtataas sa average na 45% sa kumpensasyon ng lahat ng salary grade at magtataas sa kumpensasyon ng government personnel hanggang 70 porsyento ng rate ng nasa private sector.
Sa SSL version ni Belmonte, ang panukala ay ipatutupad sa pamamagitan ng pagsasama-sama ng salary increase, 14th month pay at enhanced performance based bonus na ipatutupad sa apat na taon o mula January 1, 2016 hanggang January 1, 2019.
Layon ng bill na itaas ang suweldo ng government employees sa maituturing na competitive rate, mapalakas ang ugnayan ng pay at performance at mapataas pa ang take home pay.