MANILA, Philippines (Eagle News) — Magpapatupad ng bagong istratehiya ang Philippine National Police Anti-Illegal Drugs Group (PNP-AIDG) para bigyang solusyon ang problema ng bansa sa iligal na droga.
Ayon kay PNP-AIDG Chief Director S/Supt. Albert Ferro na pangunahin sa gagawin nila ay ayusin ang kanilang database o listahan ng mga drug user, pusher at runner para sa profiling.
Gagamit din sila ng panuntunan para masabi kung high value o low value ang kanilang target para makapag-focus ang bawat grupo.
Aniya, kapag ang mga makukuhanan ng hinihinalang shabu o iligal na droga na nasa 100 kilo pataas ay level 5.
Kapag 10 kilo hanggang 50 kilo pataas ay level 4; ang may hawak na 100 grams hanggang isang kilo pataas ay level 3.