Baguio property kumpirmadong pag-aari ng INC, taliwas sa paunang report

Updated (Eagle News) — Kumpleto at authentic ang mga papeles na hawak ng Iglesia Ni Cristo na nagpapatunay na pag-aari nito ang lupang nakatakdang pagtayuan ng kapilya sa Barangay Hillside, Baguio City, taliwas sa isang naunang report ng isang television network, ABS-CBN.

Napag-alaman ng Eagle News team na kumpleto ang mga dokumentong nagpapatunay na pag-aari ng INC ang lote.  May kaukulang building permit din ang INC na may release date ng January 8, 2016 para sa loteng nasa No. 68, purok 5, Hillside Baguio City, batay na rin sa mga dokumentong nakuha ng Eagle News Team.

Ang building permit ng Iglesia Ni Cristo para sa lote sa Bgy. Hillside, Baguio City. (Eagle News Service)
Ang building permit ng Iglesia Ni Cristo para sa lote sa Bgy. Hillside, Baguio City. (Eagle News Service)

Napag-alaman ng Eagle News na taong 2005 pa nang inialok ni Ginoong Ricardo Tanghal sa pamunuan ng INC ang lupa at ito’y pinagtibay naman noon ni kapatid na Erano G. Manalo, ang dating Tagapamahalang Pangkalahatan ng INC.

Nagpatuloy ang pag-aasikaso ng mga dokumento hanggang sa mailipat ang titulo ng lupa sa Iglesia ni Cristo noong April 2010 batay sa record ng Land Registration Authority (LRA).

Napag-alaman din ng Eagle News na ang nasabing lote ay dating pag-aari ni Jorge Tanghal.   Nang siya ay  mamatay ay ibinenta sa Iglesia ang lupa ng kaniyang mga anak sa pangunguna ni Ricardo Tanghal.

Kaya, mula nang mailipat ang pagmamay-ari nito sa Iglesia  ay ang INC na ang nagbabayad ng real property tax para sa nasabing lote.

Ngunit kamakailan lang, lumitaw ang isang “claimant”, si Danilo Blas, na kumuha pa ng tulong ng TV network na ABS-CBN upang igiit na mayroon din silang karapatan sa nasabing lupa at na hinahabol nila ang karapatang ito.

Pinalalabas pa sa nasabing report ng naturang TV network na hindi nararapat ang ginagawang pagtatayo ng kapilya ng Iglesia sa nasabing lupa.  Ito ay kahit na batay sa mga dokumentong mula na rin sa Pamahalaang Lungsod ay pag-aari na ng Iglesia ang nasabing lupa.

Sa katunayan ay may building permit na nga ang Iglesia para sa pagtatayo ng nasabing kapilya, bagay na hindi inireport ng naturang TV station.

Ayon naman sa kampo ni Ricardo Tanghal, labas na sa usapin si Danilo Blas dahil matagal nang nasa kaniya ang karapatan ng paglilipat ng titulo bago pa niya ito nailipat sa Iglesia Ni Cristo sa pamamagitan ng TCT o transfer certificate of title.

Napag-alaman naman ng Eagle News Team na ang mga naghahabol ay mga illegitimate children ng isa sa mga anak ni Jorge Tanghal na si Ester Tanghal.

Ngunit maging itong si Ester Tanghal ay may inexecute nang quit claim sa lupa may 43 taon nang nakararaan.

Sa katunayan ang nasabing Affidavit of Quit Claim na may notaryo pa ng abugado, ay may petsang Mayo 26, 1973.  Dahil dito ay napawalang bisa nito ang anumang claim ng kanyang mga anak, kasama na ang nagrereklamong si Danilo Blas.

Ang affidavit of quit claim na ni Ginang Ester Tanghal na may petsa pang May 26, 1973. (Eagle News Service)
Ang affidavit of quit claim ni Ginang Ester Tanghal na may petsa pang May 26, 1973. (Eagle News Service)

Ang report naman ng ABS-CBN ukol sa insidente ay pumokus lamang sa reklamo ni Danilo Blas, at hindi na naghintay pa ng sagot ng kabilang panig.  Hindi rin nila inireport ang ukol sa mga dokumentong nagpapatunay sa pagmamay-ari ng lupa ng INC.

Ayon pa nga sa mga nakapanayam ng Eagle News Team, halatang halata ang “bias” ng reporting ng ABS-CBN sa isyu at nagbigay pa ng irresponsableng pasaring na ang hawak na mga dokumento ng INC ay peke.

Photo of construction materials for Baguio City INC property

Habang ibinababa ang mga materyales ng INC para sa gagawing Barangay Chapel sa dako ng Hillside,Baguio City, hinarang ito ng mga kasamahan at pamilya ng nagngangalang Danilo Blas, isa sa mga complainant. Kanilang isinara ang gate papasok sa lupang pag-aari na ng Iglesia at iniharang ang ilang sasakyan. Hinahawi nila at itinatapon papalabas ang mga materyales na ipinapasok ng mga kapatid sa Iglesia at nagbanta pa ang mga ito na sila ay manggugulo at hindi papayag na mapatayuan ng Barangay Chapel ang nabanggit na lupa. (Eagle News Service)
Habang ibinababa ang mga materyales ng INC para sa gagawing Barangay Chapel sa dako ng Hillside,Baguio City, hinarang ito ng mga kasamahan at pamilya ng nagngangalang Danilo Blas, isa sa mga complainant. Kanilang isinara ang gate papasok sa lupang pag-aari na ng Iglesia at iniharang ang ilang sasakyan. Hinahawi nila at itinatapon papalabas ang mga materyales na ipinapasok ng mga kapatid sa Iglesia at nagbanta pa ang mga ito na sila ay manggugulo at hindi papayag na mapatayuan ng Barangay Chapel ang nabanggit na lupa. (Eagle News Service)

 

Ayon din sa isang certified report ng Police Station 4 ng Baguio City, hinarang ng grupo ni Danilo Blas ang mga dini-deliver na mga construction material ng INC sa lote na pagmamay-ari na ng Iglesia.  Nanigaw pa at nagbanta ang grupo ni Blas, at itinapon pa ang ilang mga construction material na dineliver na ng Iglesia sa naturang lote.

Pirmado pa ang naturang police certification ukol sa pangyayari ni Police Senior Inspector MacArthur Dizon Avilla, ang officer-in-charge ng naturang police station.

Pagbabanta ni Blas sa INC, inireport sa pulisya

Ayon sa police certification na may petsang Enero 17, nanigaw pa diumano si Blas at pinagbantaan ang mga INC members na magsasagawa ng konstruksyon ng barangay chapel na “kung itutuloy ninyo na patayuan yan ay magkakagulo, kahit marami pa kayo.”

Ang unang insidente ng pagbabanta ni Blas ay inireport sa pulisya noong Enero 5, 2016, sa ganap na ika 1:20 ng hapon ayon sa police records.

Sa police certification na ito ay inireport na ang unang insidente ng pagbabanta ni Danilo Blas sa mga kaanib ng INC. (Eagle News Service)
Sa police certification na ito ay inireport na ang unang insidente ng pagbabanta ni Danilo Blas sa mga kaanib ng INC. (Eagle News Service)

Kahit na may hawak-hawak ng building permit ang Iglesia ay nagmamatigas pa si Blas, at nagbanta pa ng panggugulo.  Ang nais niya diumano  ay bakod lang ang ipatayo at hindi kapilya ng INC sa lupang pag-aari naman ng INC, ayon na rin sa inilahad sa police report.

Noong Enero 16 naman ay inireport muli sa pulisya ang panggugulo at panghaharang ng grupo ni Blas na nagdala pa ng isang abugado, isang nagngangalang Atty. Calderon, na nagpipilit na di dapat patayuan ng kapilya ang nasabing lupa kahit may titulo na ang INC dito.

Ayon sa report, nangyari ang insidente ng panghaharang noong Enero 14, bandang alas-10 ng umaga.

Batay sa police report, kinausap muna ng nakadestinong ministro sa lugar na si Kapatid na Milovski Gines ang pamilya Blas na magsisimula na ang INC na magbaba (unload) ng mga construction materials nito, kasama na ang mga pipes, scaffolding at mga tabla o kahoy para sa pagtatayo ng kapilya.

Ngunit di pumayag ang mga ito, at iginiit na may ongoing case ang ukol sa kanilang paghahabol sa lupa.

Nung hapon ding iyon ay nag-usap ang mga abugado ng magkabilang panig.  Sinabi ng abugado ng Iglesia na pag-aari na ng Iglesia ang lupa kaya’t may karapatan ito na magtayo ng kapilya doon.  Ang abugado naman ng mga Blas na si Atty. Calderon ay tumutol dito.

Mapangahas pang hinarang, at tinapon ng mga Blas ang mga diniskargang construction materials ng INC, at kinandaduhan pa ang gate papunta sa nasabing lote.  Isang nagngangalang Popoy Blas ang pinuntahan pa ang truck na nagdeliver ng construction materials at pinigil ang pagdidiskarga ng construction materials.

Ang ginawang panghaharang ng pamilya Blas sa delivery ng construction materials para sa pagtatayo ng kapilya ng Iglesia Ni Cristo ay nakalahad sa police certification na ito. (Eagle News Service)
Ang ginawang panghaharang ng pamilya Blas sa delivery ng construction materials para sa pagtatayo ng kapilya ng Iglesia Ni Cristo ay nakalahad sa police certification na ito. (Eagle News Service)

Ayon pa sa mga sources, bago ang pagpunta ng ABS-CBN upang ireport ang panig lamang ng mga Blas sa kanilang balita, ay may pumunta sa mga Blas na kabilang sa panig ng mga nasa No. 36 Tandang Sora na mga kumakalaban din sa Iglesia.

Napag-alaman din ng Eagle News na tiwalag o dating kaanib sa Iglesia maging itong si Danilo Blas.  (Eagle News Service)