Bagyo na nasa labas ng PAR, isa nang severe tropical storm

(Eagle News) — Lalo pang lumakas ang bagyo na binabantayan ng Philippine Atmospheric Geophysical and Astronomical Services Administration (PAGASA) sa labas ng Philippine Area of Responsibility (PAR).

Ang bagyong may international name na “Sanvu” ay isa na ngayong severe tropical storm.

Huli itong namataan sa dalawang libo limang daan at limampung kilometro (2,550 km) sa silangan hilagang silangan ng extreme northern Luzon.

Taglay ng bagyo ang lakas ng hanging aabot sa isang daan at limang kilometro kada oras (105 kph) at pagbugsong aabot sa isang daan at dalawampung kilometro kada oras (20 kph).

Ayon sa PAGASA, maliit pa ang tiyansang pumasok sa bansa si Sanvu na tinatahak ang direksyon pa-hilaga hilagang kanluran.

Samantala, minomonitor pa rin ng PAGASA ang isang low pressure area (LPA) na huling namataan sa limang daan at limampu’t limang kilometro (555 km) sa silangan hilagang silangan ng Tuguegarao City.

Ayon sa PAGASA, makararanas ng light to moderate rains at minsang malakas na pag-ulan sa Cagayan Valley at Cordillera, at sa mga lalawigan ng Ilocos Norte, Ilocos Sur, La Union at Aurora.

Sa Metro Manila at nalalabing bahagi ng bansa ay magiging maganda ang panahon maliban lamang sa isolated na thunderstorm.

Related Post

This website uses cookies.