Bagyong Bising, papalayo na sa bansa: posibleng lumabas sa PAR sa Miyerkules

QUEZON CITY, Philippines — Papalayo na sa bansa ang binabantayang bagyong Bising at posibleng lumabas sa Philippine Area Of Responsibility (PAR) sa susunod na 72 oras o sa araw ng Miyerkules.

Ayon sa Philippine Atmospheric Geophysical and Astronomical Services Administration (PAGASA) , huling namataan ang sentro ng bagyo sa layong 415 kilometro east ng Guiuan, Eastern Samar.

Taglay nito ang lakas ng hangin na 55 kph at pagbugsong 70 kph.

Kumikilos ang tropical depression pa-hilaga hilagang silangan sa bilis na 11 kph.

Wala namang direktang epekto ang bagyo sa anumang bahagi ng kapuluan.

Pero maaapektuhan naman ng northeast monsoon ang mga probinsiya sa Ilocos, Cagayan at Batanes.

Mararanasan sa mga naturang lugar ang maulap na papawirin at mahinang pag-ulan.

Magdadala rin ang amihan ng bahagyang maulap hanggang sa maulap na papawirin na may kasamang isolated light sa Metro Manila, Central Luzon, Cordillera Region at nalalabing bahagi ng Ilocos Region at Cagayan Valley Region.

Habang ang nalalabing bahagi ng bansa ay iiral ang bahagyang maulap hanggang sa maulap na papawirin na may isolated rain showers o thunderstorms.

https://youtu.be/-x1sWWT6GqA