(Eagle News) — Lalo pang lumakas ang Bagyong Butchoy na may international name na Nepartak na inaasahang makalalabas na sa teritoryo ng Pilipinas sa Sabado ng umaga dahil sa bahagyang pagbagal nito ng kilos.
Taglay nito ang lakas ng hangin na 220 kilometro kada oras at pagbugsong 255 kilometro kada oras.
Patuloy itong kumikilos sa direksiyong west northwest sa bilis na 20 kilometro kada oras, bahagyang bumagal kumpara sa dating bilis na 30 kilometro kada oras
Samantala, itinaas naman ang tropical cyclone warning signal number two sa Batanes, habang nananatiling signal number one naman sa Calayan at Babuyan Group of Islands.
Habang pinaigting na hanging habagat naman ang nakakaapekto sa southern Luzon at Visayas.