Bagyong Florita, magdadala ng maulang panahon sa extreme northern Luzon ngayon weekend

(Eagle News) — Isa nang ganap na bagyo ang low pressure area (LPA) na binabantayan ng Philippine Atmospheric Geophysical and Astronomical Services Administration sa loob ng Philippine Area of Responsibility (PAR).

Pinangalanan ito ng PAGASA bilang bagyong ‘Florita’ na huling namataan sa layong 946 kilometro silangan ng Basco, Batanes.

Taglay nito ang lakas ng hangin na umaabot sa 45 kilometro kada oras malapit sa gitna at pagbugso na umaabot sa 60 kilometro kada oras.

Kumikilos ito pa-hilagang-kanluran sa bilis na 11 kilometro kada oras, at tatahak ito pa-silangan ng taiwan at timog ng japan at hindi ito tatama sa alinmang panig ng bansa.

Ngayong araw, patuloy na makararanas ng maalinsangang panahon ang buong bansa dahil wala pang direktang epekto ang bagyo pero hahatakin nito ang southwest monsoon o habagat na magpapa-ulan sa dulong hilagang Luzon ngayong weekend.

Related Post

This website uses cookies.