Bagyong ‘Karen’ nag-iwan ng malaking pinsala sa agrikultura

AGLIPAY, Quirino (Eagle News) – Malaking pinsala sa agrikultura ang iniwan ng bagyong ‘Karen’ sa buong lalawigan ng Quirino partikular na sa mga tanim na palay, mais at saging na pangunahing produkto ng lalawigan.

Sa Barangay Alicia, Aglipay, Quirino ay tinumba ng bagyong Karen ang puno ng mga saging. Ang barangay na ito ay isa sa pinanggagalingan ng malaking produksyon ng saging.

Ang mga aanihing palay naman ay dumapa na at inabot pa ng tubig baha. Umapaw din ang mga ilog kung kaya’t may ilang residente na napilitang magtungo sa mga evacuation center sa bayan ng Maddela na may 24 pamilyang apektado.

Tatlong bayan sa lalawigan ang pansamantalang pinutulan ng supply ng kuryente noong kasagsagan ng bagyo, ang mga Bayan ng Aglipay, Maddela at Nagtipunan, sa kasalukuyan ay unti-unti na itong ibinabalik.

Samantala, isang binatilyo ang naitalang nalunod sa ilog sa bayan ng Diffun matapos pilit na tawirin ang nasabing ilog.

Rustie Lorenzo – EBC Correspondent, Quirino

unnamed-1

unnamed-2

unnamed-10

unnamed