Bagyong “Marce” inaasahang magla-landfall sa Surigao del Norte ngayong gabi

Inaasahang magla-landfall ang bagyong “Marce” sa Surigao Del Norte ngayong gabi.
Ayon sa PAGASA, mahina lamang ang hanging dala ng bagyo ngunit mararanasan ang malakas na ulan sa mga lugar na daraanan ng bagyon.
As of 4pm, huling namataan ng PAGASA ang sentro ng bagyong marce sa layong animnapung kilometro silangan timog-silangan ng Surigao City, Surigao Del Norte.
Napanatili nito ang lakas ng hanging aabot sa apatnaput limang kilometro kada oras malapit sa gitna at pabugsong aabot sa limamputlimang kilometro kada oras.

Nakataas ang signal number 1 sa:
Romblon
Cuyo Island
Calamian Group
Southern part ng Mindoro provinces
Biliran
Southern part ng Samar
Southern part ng Eastern Samar
Leyte
Southern Leyte
Bohol
Cebu kabilang ang Bantayan at Camotes Islands
Siquijor
Negros oriental
Negros occidental
Iloilo
Capiz
Aklan
Antique
Guimaras
Surigao del norte
Siargao island
Surigao Del Sur
Dinagat islands
Agusan Del Norte
Agusan Del Sur at
Misamis Oriental