Patuloy na binabantayan ng PAGASA ang bagyong Marce at inaasahan na muling magla-landfall sa Calamian Group of Islands ngayong gabi.
Ito na ang ika-limang beses na pag-landfall ng nasabing bagyo.
As of 4pm huling namataan ng PAGASA ang bagyong Marce sa layong limamput limang kilometro timog-silangan ng Coron,Palawan.
Taglay nito ang lakas ng hanging aabot sa 65 kilometro kada oras malapit sa gitna at pabugsong aabot sa 100km kada oras.
Nakataas ang signal number 2 sa Calamian Group of Islands, Cuyo Island, Southern Occidental Mindoro, Southern Oriental Mindoro. Habang signal number 1 sa nalalabing bahagi ng Occidental Mindoro, Oriental Mindoro, Northern Palawan, Romblon, Aklan at Antique.
Pinapayuhan ang mga residente na nakatira malapit sa mga ilog o paanan ng bundok na maging alerto sa banta ng pagbaha o pagguho ng lupa.
Sa Linggo, inaasahang lalabas ng PAR ang bagyong “Marce”.
https://youtu.be/klSy0Rlct6M