Bagyong Marce nag-iwan ng basura

870c9e75-a528-434a-8973-f895d472b473

BAYBAY, Leyte (Eagle News) – Maghapong inulan nitong huwebes, November 24 ang Leyte lalo na ang lungsod ng Baybay. Bandang 9:00 ng gabi ay bumayo ang may kalakasang hangin na may kasamang ulan na tumagal hanggang 2:00 ng madaling araw nitong biyernes, November 25. Wala namang naiulat na casualties subalit nag-iwan ito ng kalat at basura lalo na sa mga tabing aplaya.

Sa kasalukuyan ay umaaraw na at medyo maaliwalas na ang panahon subalit maalon pa rin ang karagatan.

 

Dan Pascua – EBC Correspondent, Baybay, Leyte