(Eagle News) — Isang bagyo na may international name na “Talim” ang inaasahang papasok sa bansa ngayong araw, Setyembre 11.
Ayon sa Philippine Atmospheric Geophysical and Astronomical Services Administration (PAGASA), ang bagyo ay huling namataan ng sa 1,665 kilometers east ng central luzon.
Taglay nito ang lakas ng hanging aabot sa 90 kilometers per hour (kph) at pagbugsong aabot sa 115 kph.
Kumikilos ang bagyo sa bilis na 29 kph sa direksyong west northwest.
Papangalanan itong bagyong “Lannie” sa sandaling pumasok na sa Philippine area of responsibility (PAR).
Samantala isa namang low pressure area (LPA) ang binabantayan din ng PAGASA sa silangan nahagi ng Daet, Camarines Norte.
Ayon sa huling tala ng PAGASA, dadaan sa central luzon ang LPA at lalabas ng bansa bukas (Martes, Setyembre 12) o sa araw ng Miyerkules, Setyembre 13.
Dahil sa nasabing LPA, makararanas ng mahina hanggang katamtamang pag-ulan ngayong araw ang mga bahagi ng Metro Manila, Visayas, MIMAROPA, CALABARZON, Bicol Region, Quezon at Aurora.
Habang ang nalalabi pang bahagi ng bansa ay makararanas ng occasionally heavy rains dahil sa thunderstorm.