Baha nararanasan sa Real, Quezon dulot ng biglang pagbuhos ng ulan

REAL, Quezon (Eagle News) – Nakaranas ng pagbaha ang lalawigan Real, Quezon bunga ng halos tatlong oras na walang tigil na pag-ulan.

Tumaas ang tubig nang halos isang talampakan sa Real – Famy National Hi-way.

Bahagyang nakaantala ng daloy ng mga sasakyan dahil sa pag-apaw ng mga kanal at kung magtutuloy-tuloy ang pag ulan ay maaring tumaas pa ang tubig baha.

Rechelle Valle – EBC Correspondent, Real Quezon

Related Post

This website uses cookies.