Bahay Pag-Asa, binuksan na

(Eagle News) — Pormal ng binuksan ang Annex Building Bahay Pag-asa Reformation Center sa Barangay Lamao  bayan ng Limay para sa ikalabing dalawang batch ng mga buluntaryong sumuko na mga  drug personality na nasa  50 at mula sa iba’t-ibang bayan na sakop ng ikalawang  distrito ng Bataan at nasa 700 surenderee sa kasalukuyan sa buong lalawigan ng Bataan.

Pinangunahan ni PSSupt. Benjamin H. Silo Jr Officer-in-charge P. D. ng Philippine National Police (PNP) – Bataan ang isinagawang opening ceremony at pagkatapos nito ay isinagawa ang inspeksiyon sa magiging tirahan  at tulugan ng mga surenderee.

Ayon kay PSSupt. Silo, isang buwan ang gagawing rehabilitasyon sa mga surenderee  kasabay ng pagtuturo ng mga social workers, psychology doctors, libreng pag aaral  mula sa tesda at iba pang sangay ng pamahalaan hanggang sa gumaling ang mga ito.

Ang Bahay Pag-Asa Reformation Center ay walang pondong itinataguyod at pinangungunahan lang ito ng mga volunteers ng illegal drugs conveners at Bataan -PPO.

Hindi naman nangangamba ang mga residente malapit sa reformation center sa kabila  na mga drug personality ang kanilang magiging kapitbahay.

Related Post

This website uses cookies.