Balikatan Exercises tinalakay sa naging pagpupulong ng LGU Ormoc City at mga bumisitang sundalo

ORMOC CITY, Leyte (Eagle News) – Isang grupo ng kasundaluhang Pilipino at Amerikano ang dumalaw at nakipag-pulong sa mga opisyales ng Pamahalaang Lokal ng Ormoc City. Layunin nito ay  upang talakayin ang proposal ukol sa Balikatan Exercises sa Ormoc City sa April 2017.

Ang Balikatan (Shoulder to shoulder) ang tawag sa taunang military exercises sa pagitan ng Estados Unidos ng Amerika at Pilipinas. Ang Balikatan Exercises ay nakadisenyo upang panatilihin at paunlarin ang relasyong pang-seguridad sa pagitan ng ating bansa at sandatahang lakas ng Amerika sa pamamagitan ng crisis-action planning & enhanced training upang sugpuin ang mga terorismo at isulong ang tinatawag na inter-operability ng mga sandatahang lakas ng dalawang bansa.

Ang LGU Ormoc City Administration sa ilalim ng pangunguna ni Mayor Richard I. Gomez ay nagpahayag ng suporta sa proposal na may kinalaman sa Balikatan Exercises. Upang maisulong aniya ang kapayapaan at kaayusan ng komunidad at paunlarin ang kalidad ng buhay ng mga Ormocanon.

Courtesy: Kimberly Urboda

14258141_334436090238189_7598430012214144423_o_321808980227654061

14290005_334436516904813_4252150735725983654_o_321808980227654062

14311470_334437010238097_2364690869708321925_o_321808980227654063

14324350_334435443571587_6572840632999432457_o_321808980227654064

14324447_334436580238140_8852453707632580815_o_321808980227654066

14372400_334436576904807_6270170813267830623_o_321808980227654067