ORMOC CITY, Leyte (Eagle News) – Isang grupo ng kasundaluhang Pilipino at Amerikano ang dumalaw at nakipag-pulong sa mga opisyales ng Pamahalaang Lokal ng Ormoc City. Layunin nito ay upang talakayin ang proposal ukol sa Balikatan Exercises sa Ormoc City sa April 2017.
Ang Balikatan (Shoulder to shoulder) ang tawag sa taunang military exercises sa pagitan ng Estados Unidos ng Amerika at Pilipinas. Ang Balikatan Exercises ay nakadisenyo upang panatilihin at paunlarin ang relasyong pang-seguridad sa pagitan ng ating bansa at sandatahang lakas ng Amerika sa pamamagitan ng crisis-action planning & enhanced training upang sugpuin ang mga terorismo at isulong ang tinatawag na inter-operability ng mga sandatahang lakas ng dalawang bansa.
Ang LGU Ormoc City Administration sa ilalim ng pangunguna ni Mayor Richard I. Gomez ay nagpahayag ng suporta sa proposal na may kinalaman sa Balikatan Exercises. Upang maisulong aniya ang kapayapaan at kaayusan ng komunidad at paunlarin ang kalidad ng buhay ng mga Ormocanon.
Courtesy: Kimberly Urboda