Baliuag University nakatanggap ng bomb threat

BALIUAG, Bulacan (Eagle News) — Pinauwi ng pangasiwaan ng Baliuag University sa Baliuag, Bulacan ang kanilang mga estudyante ngayong Lunes ng hapon (Septyembre 5) dahil umano sa natanggap na bomb threat ng unibersidad.

Ayon sa mga mag-aaral ay pinauwi sila ng maaga ng pangasiwaan ng paaralan dahil sa pangamba para sa kaligtasan ng mga estudyante.

Sinikap naman na mapasok ng ating mga Eagle Correspondent ang nasabing eskwelahan upang makausap ang Punong Guro, subalit hindi na nagpapasok ang kapulisan sa compound ng paaralan.

Hindi muna nagbigay ng pahayag ang kapulisan ukol sa insidente.

Eagle News Correspondents Beth Cuaderno, Jimbo Tejano

Related Post

This website uses cookies.