STA. MARIA, Pangasinan (Eagle News) – Tinatayang nasa 2,000 kawayan ang naitanim sa may Brgy. Sta. Rosa at Paitan Sta. Maria, Pangasinan sa isinagawang Bamboo Planting Activity na may kaugnayan sa pagdiriwang ng ika-116th Anniversary ng Philippine Service na may temang “Malasakit Para sa Kalikasan”.
Nagtulong-tulong ang mga empleyado ng Water District, Local Government Units-Pangasinan, Commission on Audit, at Department of Education. Nakipagtulungan din ang Association of Regional Executives-Region 1, Department of Environment and Natural Resources-Region 1 at Civil Service Commission-Region 1. Pinangunahan ito ni Sta. Maria Mayor Teodoro Ramos na siyang pinaka host ng nasabing aktibidad.
Pagkatapos ng pagtatanim ay nagkaroon ng signing of memorandum of agreement para sa lahat ng nakilahok na nangangakong pangangalagaan at imementina ang bamboo plantation.
Nagkaroon ng maikling programa at nagsalu-salo ang lahat ng mga dumalo. Naging maayos naman ang seguridad at kaayusan sa trapiko sa pakikipagtulungan ng Philippine National Police at ng Barangay Units.
Rusell Failano – EBC Correspondent, Sta. Maria, Pangasinan