(Eagle News) — Mayroon nang lead ang Government of Bangladesh sa pagkakakilanlan ng mga hacker na umatake sa kanilang account sa Federal Reserve Bank of New York at nagnakaw ng $81 million sa Central Bank of Bangladesh.
Ayon kay Bangladesh Ambassador to the Philippines John Gomes, nasa 20 mga indibiduwal mula sa iba’t ibang bansa ang sinasabing nasa likod ng grupong nagtangkang limasin ang kaban ng Bangladesh sa pamamagitan ng hacking.
Dagdag pa nito, hindi aniya Pilipino o Bangladeshi ang mga hacker batay sa imbestigasyon ng kanilang pulisya.
Samantala, umaasa si Ambassador Gomes na maibabalik na sa lalong madaling panahon ang perang ninakaw at inilipat sa Rizal Commercial Banking Corporation (RCBC) Jupiter branch sa Makati City.
Para kay Gomes, hindi maganda para sa dalawang bansa na patagalin pa ang imbestigasyon at mainam aniyang tapusin na ito dahil kailangan na ng Bangladesh ang naturang halaga ng pera.