Nagdadalamhati ngayon ang buong bansa sa pagkamatay ng mga miyembro ng PNP-SAF. Ito’y matapos ang nangyari nitong Linggo, ika- 25 ng Enero kung saan, nagka-engkwentro ang PNP Elite Force laban sa mga miyembro ng MILF at BIFF sa Mamasapano, Maguindanao. 44 ang nasawi sa hanay ng tropa ng ating pamahalaan. Ang nakalulungkot pa ay nangyari ang malagim na engkwentro kahit pa nakataas sa Maguindanao ang Peace Agreement at kasalukuyang dinidinig ang ukol Bangsamoro Basic Law. Tanong ngayon ng marami, bakit humantong sa ganitong pangyayari ang operasyon na sana’y pagdakip sa mga International Terrorist na sina Basit Usman at Zulkifi Abdhir alyas “Marwan”. Hinahangad natin ang matagal nang mithiin na kapayapaan sa Mindanao sa pamamagitan nga ng isinusulong na usaping pangkapayapaan.
Subalit sa nangyari, saan na patungo ang usaping ito? Mayroon bang maaasahang hustisya ang mga nasawing tagapagtanggol ng ating bansa?Ang una sa tatlong bahagi ng pagtalakay natin kaugnay ng nangyari sa ating Fallen 44