By Gerald Rañez
Eagle News Service
(Eagle News) — Grupong One Bangsamoro Movement, inilunsad ang Bangsamoro Coordinating Council bilang pagsuporta sa Bangsamoro Basic Law (BBL).
Sa pangunguna ng One Bangsamoro Movement nabuo ang Bangsamoro National Coordinating Council na sumusuporta at tumutulong sa mas pinalawig na bangsamoro transition commission para sa pagbuo ng panibagong draft ng Bangsamoro Basic Law (BBL).
Nagkaisa ang iba’t-ibang Muslim leaders na kinabibilangan ng mga malalaking grupo mula sa Southern Luzon, Nothern Luzon, Central Luzon at ilang representante mula sa Mindanao kabilang rin ang ilan mula sa Muslim Community Business Sector.
Para ipakita at ipahayag ang kanilang suporta kay Pangulong Rodrigo Duterte sa usaping pangkapayapaan na dekada ng inaasam.
Layon ng grupo ng pagkaisahin ang lahat ng muslim sa Pilipinas, pagsuporta sa Federalismo.
Suportado rin nila ang ang nais mangyari ng Pangulong Duterte na kapangyarihang mag appoint na lamang ng mga barangay official.
Bagamat naiinip na ang karamihan dahil sa mabagal na kilos umanu ng gobyerno sa pag usad ng usapin sa BBL, dahil narin sa pagtanggi na sumali sa BTC ng MNLF faction sa pangunguna ni MNLF Chairman Nor Misuari, sa halip ay nagbigay ito ng 5 man panel na makikipag usap sa gobyerno.
Hindi raw titigil ang grupo sa pakikipag-ugnayan upang hikayatin ang lahat na magkaisa para matuldukan na kaguluhan sa Mindanao at para sa pagbubukas ng tuwirang kaunlaran.